Benigno "Noynoy" S. Aquino III: Ano ang kaya mong itaya para sa ikabubuti ng bayan mo? Gustong malaman ni P-Noy kung anong taya mo.
MY RESPONSE:
Etong gobyerno na eto, puro hingi kung ano ang itataya at ibibigay ng mga taong-bayan. Binoto ka na eh. Tumaya na ang taong bayan sayo. Ano pa ba gusto mo? Ikaw naman mag-bigay ng serbisyo. Pakitaan mo naman kami na pinapatupad mo ang mga batas (IRR of RA 9646).
Taya? Kailangan pa bang magbayad tayo at tumaya ng dagdag sa sweldo niya para mag-trabaho siya? Yong boto hindi pa ba yun taya? Yung buwis, hindi pa ba yun taya? Ano pa kaya ang gusto nitong taya? Baka taya sa sugal tungkol sa PAGCOR issue ang hinahanap nito.
Kaya siguro nagpa-picture siya na hawak ang first check niya. Siguro gusto niyang iparating na: "hello, eto lang sweldo nyo sa akin, anohhh, alangan naman hindi ako magdedelehensiya." Naku, baka sa PAGCOR eto mamimiga ng commission.
Wala pang dalawang buwan bilang Presidente, isang government asset na agad ang balak i-lease out (Phil NAVY facility) at isang government corporation ang ibebenta (PAGCOR). Merong nakadikit nito na Broker. Tumatagingting na commission ang pinag-uusapan dito.