Tingnan mo yang Philippine Passporting proccessing centers. Pag mayaman ka, expedite ang process ng paper mo, mabilis. Pag mahirap ka, ordinary lang process ng paper mo, mabagal. Pera lang ang katapat, pinapaboran ang mga CAN-AFFORD. Ganyan ka BOBO ang gobyerno pagdating sa FAIRNESS and EQUITY.
Pantay-Pantay dapat. Parehong bayad. Parehong bilis ng production. Kung gustong bilisan, dapat walang perang katapat.
Public pricing policy is sensitive to the concept of equity. Look at it the other way around. Mabilis dapat lahat, mabilis ang STANDARD process at pantay-pantay laghat dito makikinabang sa bilis na eto. Pero Kung hindi nagmamadali ang applicant, pwede siyang mag opt na mabagal at bibigyan siya ng DISCOUNT.
Yan ang ugat ng lahat na CORRUPTION sa document issuance and licensing front-line ng gobyerno. Yang pampabilis na yan ay tinatawag yan na GREASE MONEY noong araw. Ngayon ang tawag nila sa GREASE MONEY ay EXPEDITING FEE. Sobrang Palusot ng mga Kurakot!
Noy people are saying na ang expediting fee ay para sa overtime, dahil pag overtime mabilis kesa sa regular-time. Sa opinion ko, mali ang logic na yan. Pag ginawa ba sa gabi mas mabilis pag ginawa sa araw? Anong klaseng logic yan? Isang production step-by-step process lang ang dinadaanan ng lahat na passport. Ang sabihin natin, pag magbayad ka ng grease money, lalaktawan ng aplikante yung ibang aplikante na na-unang pumila sa production process.