Tuesday, August 10, 2010

My Question to PNoy on PAGCOR Sale

Magandang gabi po minamahal na pangulong PNoy. Magtatanong lang po. Ikaw po ba nag-utos kay Lacierda at sa DOJ na mag-isip ng paraan kung papano maiwasan ang bidding sa lease ng Navy Facility and sale ng PAGCOR para mabenta eto na underprice? Hindi po kasi claro sa report na nareceive ko po eh. Kung hindi po ninyo mamasamain, Yes or No lang lang po ang sagot na kailangan ko para hindi po kayo mapagod. You have to answer this po sir. Don't tell me po later po na hindi po kita tinanong ha.

Ano po ba ang basehan sa $10B na presyo ng PAGCOR na lumabas na po sa media? Dalawa lang po ang pwedeng sagot para madali po sagutin po. (A) Offer price po ba eto ng BUYER or (B) APPRAISAL REPORT po eto ng gobyerno?

Broker din po ako at meron po akong license. Anong opisina po ako lalapit para makilahok sa usapin ng sale ng PAGCOR. Sa professional opinion ko po kasi ay pwede kong ibenta ang PAGCOR sa mas mataas pa po sa $10B. Sana po ang mga ibang brokers na kausap po ninyo ay mga lisesyado din po katulad ko.

Itataya ko ang professional skills ko as Broker para tulungan ang gobyerno na ma-benta ang PAGCOR sa true value nito na around $25B.... ang rough figure na $10B ... ay masyadong underprice. At kaya kong itaya ang buhay ko para subaybayan ang anomaly na eto.

Naghihintay ng kasagutan.

On 08/10/2010, 10:pm, I posted this message to the wall of the OFFICIAL Facebook Page of PRESIDENT Noynoy Aquino at
http://www.facebook.com/noynoy.aquino?ref=ts#!/noynoy.aquino?ref=ts