Monday, August 9, 2010

Solution to Traffic Enforcer Bribery

Do you want to identify and remove the law enforcers sa kalye na corrupt? Simpleng simple lang yan. Mag organize at mag train ka ng DUMMY VIOLATORS na binubuo ng private sector na mag-rereport ng:

(1) mga enforcers na tumatanggap ng bribe,
(2) mga enforcers na nagsasabi kung magkano ang penalty ng violation para makapag-isip ang violator na mag bribe na lang,
(3) mga enforcers na tumatagal ng dalawang minuto ang pag-issue ng traffic receipt, at
(4) mga enforcers na nag-coconfiscate ng license card.

xxxxx

Walang tatanggap ng suhol pag ang rewards ng pag-rereport ng manunuhol ay mas malaki pa sa suhol. Parang NASH EQUILIBRIUM yan.

APPLICATION: pwede mong bigyan ng cash award, recognition plaque, and integrity stripe sa uniform ang mga traffic enforcers na nang-huhuli ng mga traffic violator na nag-aabot ng bribe money. Walang may mag lakas ng loob na mag bribe sa enforcer na merong integrity stripe sa unipome.

EXAMPLE: Merong nagawa na violation ang isang tao at ang penalty ng violation ay P2,000. Usually ang i-offer na bribe dyan ay lower than P2,000, lets say P1,000.

In this particular example, ang rate ng cash reward na ibibigay natin sa law enforcer na mag-report ng bribe ay P2,000 para merong RATIONAL incentive mag-report ng bribe. This system can be easily funded by DOUBLING the penalty fines on people who offer bribe, meaning, the violator will be fined a total of P4,000.