Monday, August 23, 2010

Rolando Mendoza Hostage Taking

"A big mistake to correct a big wrong decision" - Police Senior Inspector Rolando Mendoza (RIP 8/23/2010)

xxxxx

With this recent SCANDAL, I think we should focus our attention to the failures and anomalies of this animal they call UMBUDSMAN.

Ang umbudsman ang puno at dulo ng scandalo. Ang roll-over ay ang internal conflict ng PNP na nag-resulta sa massacre. Last week lang eh merong General na may grievances sa maling pamamalakad ng politica ni PNoy na nakiki-alam sa standard staffing process ng Military. Yang kay Mendoza parang ganun din, grievance din sa system.

Sa panahon ni Cory, grievance din yun kaya nagka-Coup de Etat. Marami pang mangyayaring ganyan kung hindi maayos ang tolerance policy ng gobyerno sa grievance-motivated protests.

The medalled Officer just asked for his life back. Pinagkaitan ng karapatang harapin ang accuser, tinanggalan ng hanap-buhay, sinira ang honor ng pangalan, pinagdamutan ng kaliit-liit na hinihingi, hinarass pa ang kapatid, at pinatay kasama mga tourists. Where is LOVE in your Administration?

xxxxx

The Mendoza Hostage Drama is like that Denzel Washington movie titles JOHN Q.

Ang ginawa ni Mendoza ay sakripisyo sa bayan para mamulat tayo sa mga anomaliya ng Umbudsman. Inilabas niya sa international audience ang mga hinaing ng nakararami nating kababayan. I think Mendoza transcended from fighting his own personal welfare to fighting for the cry of oppression of the ordinary people. He was prepared to die for the cause of justice. Personally, I can classify what he did as a one-man rebellion against an oppressive system.

I just noticed that Mendoza did not kill a comrade Policeman nor a Filipino passenger in that bus. Recent report says killed hostages were shot at the back (probably bullets from raiding team).

Sa ngayon, wala pang evidence na binaril ni Mendoza ang hostage. Yung sabi nga ng driver na patay na daw lahat na mga hostages eh hindi nga totoo. Pag mag-deny ang driver na siya nag-sabi na patay na nag mga hostage, eh pwedeng imbento lang yun ng mga Police para may reason sila na mag-assault at may dahilan sila na maka-tama ng hostage sa raid dahil sa akala na patay na lahat. Hintayin na lang natin ang result ng investigation.

xxxxx

POLICE LAUNCHED ATTACK VS HOSTAGE-TAKER

Bakit sumugod yang mga pulis sa bus na walang exact replica simulation practice? Mahigit 8 hours ang negotiation hindi nag-practice! Parang tangang nag-kumpulkumpol na hindi makapasok sa bus. Wala nang element of surprise, nasa harap pa sila ng malakas na ilaw. Saan na yung mga infrared optical mask? Backhoe ang dapat gamitin pam-basag ng mga salamin ng bus. Hook and chain at kotse ang pang-hila force-open dyan sa pinto ng bus! Susmaryosep!

Bakit pick-up patrol car ang dinala dyan sa likod ng bus? Susmaryosep! Bulldozer dapat ang dinala dyan sa likod para pwedeng i-elevate ang mga sniper at ilapit sa bintana ng bus na hindi masyado delikado dahil makapal ang bakal ng bulldozer. USE PROPER EQUIPMENT!

Nag-kumpol-kumpol ang mga pulis. Pag nilaglagan yan sila ni Mendoza ng granada patay yan sila lahat. Susparyosep!

xxxxx

POLICE TOOK AWAY HOSTAGE-TAKER KINS FROM THE SITE

In my opinion, I believe Ex-Police-Officer and hostage-taker Rolando Mendoza is in the middle of desperation and frustration on the system and is now doing the RIGHT THING to protect the honor of his name. Civilized societies have this thing we call "Right to Face the Accuser". It is unfair that he was not furnished a copy of the Umbudsman report of investigation and charges against him despite his numerous request. It is even grossly unfair that he was penalized without conviction in proper courts. In cases like this, hostile action by Police is a NO NO. Just let the negotiator work fully on the case.

Just hold on. Maximum Tolerance lang kahit abutin yan ng ilang araw ang negotiation. Mapapagod din yan pag nai-labas na niya ang hinaing niya at napakinggan ang kapatid niya na spokesperson niya. Nagpaputok na, kaya medyo naka-release na yan ng tension at galit. Hayaan lang mag-salita ang kapatid sa media. Yang SPO2 na kapatid na yan ang "maka-convince" ng pag-suko ng hostage-taker.

Kaya nga merong Truth Commission eh walang tiwala ang Administration sa Umbudsman eh. Yang Umbudsman na yan, marami nang atrsaso yan sa bayan, yung Fertilizer Scam eh hindi dinisisyonan pero yang maliliit na kaso na ganyang katulad ni Mendoza eh mabilis ang decision na wala sa tamang procedure.

I agree that the family of the hostage taker must be removed from the hostage site. The recommendation should have come from the negotiator. The uncontrolled presence of the family members in the site will just distract the gains of the negotiation.


xxxxx

FIREARM CONTROL ISSUES

Na dismiss na daw sa serbisyo ang hostage-taker na si Rolando Mendoza. POSSESSION ISSUE - Eh bakit meron pa syang high-powered firearm at maraming mga baril? CARRY-ISSUE - Eh bakit walang checkpoint na naka-detect nyan nung nilabas niya yang mga baril na yan sa bahay niya? Yan ang sinasabi ko na lapses ng firearm regulations.