Ang problema sa bansang eto ay hindi na-intindihan ng mga tao at ng mga politiko ang separation of function ng tatlong branches: (1) Executive, (2) Judiciary, (3) Legislative.
Ang problema eh merong Legislators na walang policy advocacy, hindi marunong pumick-up ng possible legislation galing sa hinaing ng constituents niya, at ang palaging mali niya ay pre-occupied siya sa pag-aaktong parang executive by implementing infrastructure projects.
Ang problema sa Executive eh hindi alang ang mandate niya na mag-execute lang ng mga batas. Minsan hindi nag-tatrabaho sa pag-execute ng batas at nag-aaktong Legislator by participating in policy-making debates.
Ang problema sa Judiciary ay napo-politicize minsan ang mga decision nila. Pag sinabi ko na "politicize", ibig kong sabihin ay na-dadala sila sa mga ingay ng mga tao, mga bulong ng mga ma-impluwensyang tao, at mga pressure ng mga politiko. Dapat ang hustisya ay bulag, walang kinikilingan.
Dapat, stick lang dapat sila sa function nila para mag work properly ang government machinery.