Yung ibang grand conspiracy corruption scheme na related sa ACQUISITION, PROJECTS, EMPLOYEE HIRING ng gobyerno ay meron akong tatlong systematic approach dyan pero medyo long-term aside from strengthening the Audit System.
1. DEMOCRACY - Freedom of Information Act para mabigyan ang media and private investigators ng access sa proceedings ng procurement process from bidding to post-project evaluation. Pwede rin nating lagyan ng mechanism na mag flow ang funds from government anti-corruption program to private individuals/groups who do independent anti-corruption investigations, studies, and advocacy.
2. EDUCATION - Professionalization ng Procurement Services. It means magkakaroon na ng Bachelor of Science in Procurement Services, magiging scientific na ang procurement decision process, merong Board Exam, merong Code of Ethics, at merong professional integrity na ipaglalaban ang mga taong magtatrabaho sa mga procurement units.
3. VALUES FORMATION - Annual Seminar in Government Ethics. Lahat na government employees ay dadaan sa annual certification na eto. Merong computerized training and certification. Meron din Instructional Video that will be focused on the public's role to eradicate corruption na i-show round-the-clock palagi sa mga reception ng lahat na frontline services ng government agencies para mapanood ng mga customer habang nag-hihintay. Ang purpose nito ay dapat ma-indoctrinate ang buong bayan kung ano ang ibat-ibang corruption schemes, kung paano nila i-report ang mga na-witness or na-experience nila, at ano ang protection na maibibigay ng gobyerno para sa mga whistleblower.