Friday, September 24, 2010
On Anti-Littering Law and Vandalism
Okay naman yang Anti-Litering Law. Pero, sa opinion ko, mas nakaka-rumi tingnan ang graffiti vandals kesa sa mga candy-wrapper droppings. May possibility na ang dropping ay accidenteng nalaglag lang hindi na shoot sa bag or sa bulsa. Pero ang graffiti vandalism ay talagang deliberate ang intention yan, bumili pa ng spray paint, at pinagplanuhan talaga ang misdemeanor. Last week lang may nakita ako sa wall ng C5 nag graffiti vandal, tiningnan lang ng nakakita na MMDA na parang walang nangyari, hindi man lang sinita. Naisip ko tuloy na baka kakilala yata ng MMDA yung mga gumagawa ng vandalism para ma-justify ang mga panibagong painting project expense ng MMDA.