ANTI-CORRUPT COMMUNICATION AND ADVOCACY PROGRAM
PNoy, diba anti-corruption ang priority mo? Bakit wala yata akong napansin na Communication and Advocacy Program ng administration mo na focused sa Anti-Corruption? Ang napapansin ko lang eh "Image Packaging" ng Presidente. Sana namn eh ang anti-corruption ay passion mo talaga, hindi lang slogan. Kung kailangan mo ng tulong, sabihin mo lang.
xxxxx
ANNUAL SEMINAR ON ETHICS AND CORRUPTION PREVENTION
PNoy, when I was working for the US Government for 7 years, I learned na maraming paraan para ma curb ang corruption, at isa dito ay Values Formation sa mga government employees through Annual Online Seminar on Ethics and Corruption Prevention. Dito sa Pilipinas, meron akong nakausap recently na Phil govt employee, sabi niya, 12 years na siya sa gobyerno eh hindi pa raw siya nakatikim ng ganitong seminar. Kung kailangan mo ng tulong, sabihin mo lang.
xxxxx
FEARLESS ANTI-CORRUPT REPORTING SYSTEM
PNoy, isa sa mga effective solutions sa corruption ay demokrasya, wherein ang mga tao ay malayang at maalam mag-report ng corruption that they personally witness. Mahina ang demokrasya natin kung ang tao ay natatakot mag-report. Dalawa lang ang pwedeng solution nito para mawala ang takot ng mamamayan. (1) Effective Witness Protection Program, and/or (2) Tighter Gun Carry/Ownership Policies. Wala akong naaamoy na ang administration mo ay naka-incline sa dalawang solutions na eto. Kung kailangan mo ng tulong, sabihin mo lang.
xxxxx
AWARD AND INTEGRITY INSIGNIA SYSTEM
PNoy, hindi naman lahat na government employee ay corrupt na tumatanggap ng lagay. Merong ding matuwid at mga tapat sa serbisyo. Sa aking nakikita, merong effort ang gobyerno na kilalanin ang mga corrupt, pero nag-kulang ito ng pag-kilala at pag-bigay ng parangal sa mga hindi corrupt. Ang suggestion ko ay isang malawakang Award and Integrity Insignia program para sa mga kawani ng pamahalaan na makapag-report at makapag-pigil ng actual na bribe offer. Kung kailangan mo ng tulong, sabihin mo lang.