Tuesday, September 7, 2010

Irrationality of MRT Fare Hike

Increasing MRT rider fee from 15 to 44? Pag malugi ang MRT dahil sa bagong napakamahal na maling pricing, mag-aabono pa rin naman ang gobyerno eh dahil ang guarantee ay isang commitment na hindi pwedeng i-drop in the middle of the operation. Pag malugi, mas malaki nga lang ang i-aabono. Ang tanong, sino ang ulo na pwedeng gumulong pag malugi ang MRT dahil mali ang nirerecomenda niyang price? Who? PNoy you have to answer this para walang palusot in the future.

xxxxx

When the Government decided to subsidize the mass transit system, any new administration naturally "inherits" that decision. A new administration who does not honor obligations of the government is showing a wrong gesture from the perspective of the private sector. Ang resulta nyan eh magiging walang kasiguradohan kung makikipag-deal ang private sector sa gobyerno in Build-Operate-Transfer schemes, dahil ang gobyerno ay pino-politicize ang contract.

xxxxx

Lahat na changes in pricing, dapat merong market study ng elasticity ng demand curve mo. Hindi pwedeng supply curve lang ang gagamitin mo at tantsa tantsa lang na P44. Merong bang study on the rider's response sa pag-taas ng MRT fare? Meron ba?

xxxxx

Ang iba pang epecto ng MRT price hike ay pag-taas ng ridership ng mga bus which will put additional pressure on the traffic of EDSA. Maari din dadami ang bibili na lang ng motorsiklo. Pero, mas marami ang mababawasan ang budget pang-kain, maraming magugutom. Siguradong lalakas ang pressure ng wage hike.

xxxxx

Sa tingin ko, mas malulugi ang MRT kung itaas sa P44 ang riding fee dahil sa mahihirapan ang mimimum wager sa budget. Pag malugi, mas mataas ang subsidy na i-aabono ng gobyerno, mas mababawasan ang pera para sa magsasaka.

xxxxx

Atsaka, bakit P44? Bakit bungi ang denomination? Kaya mahaba at mabagal ang pila dahil sa pag-susukli. Pwede namang P20 para hindi mahirap suklian.

xxxxx

Walang problema ang current pricing ng MRT. Ang problema ay ang services, bobo ang nag-mamanage ng systematics ng crowd handling sa peak hours.