Hindi pwedeng one-sided ang mga commentators. Hindi pwedeng puro kamot na lang sa likod ni PNoy. Si PNoy lang ang sarili niya ang gagawa ng magandang pangalan niya by just doing his mandate na ipatupad ang mga batas at paandarin ng maayos ang mga departamento ng pamahalaan.
Kung bastos ang batikos, trabaho yan ng Admin ng page na eto na i-delete. Kung hindi bastos, maririnig yan dapat. Hindi pwedeng meron pang isang layer na mag-filter ng opinion. Kung i-filter nyo ang opinion ko at gamitin ako na pampa-pogi ni PNoy, bayad kayo P3Million a year.
Kaya nga, hayaan natin na maging independente ang mga comments para makita natin ang iba't ibang sides ng "perception". Ang gobyerno kasi, walang empleyado ng gobyerno na babatikusin ang gobyerno dahil magiging issue yan ng loyalty.
Walang ...miyembro ng administration na babatikos sa saliri nilang team dahil magiging issue yan nga loyalty. Dahil dito, kailangan ng mga tao sa labas na mambatikos para ma-linis ang gobyerno.
Yung pag-bubuhat ng bangko ng gobyerno, trabaho yan ng Cmmunication and Advocacy Program (CAP) ng gobyerno. Two years ako sa trabaho sa CAP kaya alam ko yang mechanics nyan. Yang CAP, pwede naman sila mag-hire ng Effective Individuals or PR Companies na gumawa ng activities para mapa-pogi ang gobyerno or si PNoy. Sa US ngayon si PNoy diba merong na-hire na PR Company para i-package siya? Ganyan yan.