Hindi tayo tulad ng Rome, Mecca, and America na walang tigil ang dating ng mga toristang nag-wawaldas ng pera. Ang bansa natin ay nakaka-higop lang ng pera galing sa ibang bansa dahil sa mga OCW natin. Kaya tratohin natin ng maayos at tingalain ang ating mga OCW pag bumabalik sila dito para mag-bakasyon.
Ganun din ang mga Balikbayan na dumadalaw paminsan-minsan dito sa bansa natin. Ipakita natin sa kanilang mga anak (na doon na lumaki sa ibang bansa) na freindly tayo, maganda ang kultura natin, at maayos ang pag-aalaga natin sa ating mga kalikasan.
Tanungin din natin sila at pa-kwentohin natin kung anong mga nakita nilang best practices sa ibang bansa na dapat nating gayahin. Yon si Jose Rizal, siya ay mahusay nung kapanahunan nya dahil na-expose siya sa ibang bansa at marami siyang natutunan doon na gusto niya i-apply dito sa ating bansa. Ganun din yang mga Pilipino na nakaka-punta sa ibang bansa, marami yan silang idea paano pa-unlarin ang bansa natin. So, pakinggan natin sila.
Maganda din iboto yang mga Balikbayan na tumatakbo for local positions natin dahil maraming new ideas yan na tinatawag nating INNOVATION. Atsaka, yang mga balikbayan na yan ay nasubukan na nila mismo kung gaano ka-sarap mamuhay sa ibang bansa na sumusunod sa batas ang mga mamamayan. Ideal talagang ipa-pwesto sa politika sa Pilipinas yang mga balikbayan natin -- parang si Jose Rizal ang mga yan.
xxxxx
Sabi nga nila, na-ngangapkap daw ng dollar ang mga immigration checkers sa Airport entry. Mga walang-hiya talaga yang mga checker dyan sa Airport. Maraming naka-pansin nyan na OCW na para bang naging parte na ng kultura natin na ang mga Immigration Personnel ay parang mga hold-upper, mga extortionist, mga pulubi, mga patay-gutom, mga walang ethics --- ayyy naku ewan. Ehhh ako nga merong kakilala, bagong graduate pa, nagpapa-endorse sa Immigration dahil gusto raw niya doon dahil marami daw dollar pinamimigay mga OCWs -- susmaryosep kinilabutan ako.
xxxxx
I dedicate this blog to my FB friends who celebrate their birthdays today.
Angelica Bontuyan, Dominic Rosauro O. Duque, Dominick Lacamento, Kitchz Ferrer, Marjo Abellar Tan, Pilyang Mhanika, Regina Palmero, Riza Alelei Laserna