Napakahirap kausap ang gobyerno ng Pilipinas, hindi consistent. Kung anong mababasa
mo mga batas ng bansang ito ay ibang-iba sa makikita mong kalakaran. Ang implementation ng batas, at ang tama at mali, ay naka-depende kung sino ang naka-upong Presidente. Ang personal preference ng mga naka-upo sa gobyerno ang umiiral na kalakaran imbis na ang batas. Ito na yata ang tinatawag nilang bulok na sistema.
Nakaka-pagod. Pag kausap ko international businessman at nag-tatanong tungkol sa business process dito sa Pinas, kailangan kong pang i-presenta ang batas at ang kalakaran na kaka-iba sa sinasabi ng batas. Medyo awkward dahil kailangan ko pa silang ipa-intindi na ang corruption sa Pinas ay talagang parte na ng ating kultura na dapat intindihin. Nakaka-hiya.
Etong na-experience natin ngayon kabulukan ng gobyerno ay sanhi ng kakulangan ng ating mga nakaka-tanda, sanhi ng mga politikong "sikat" ang mga pangalan ngayon. Sa generation natin ngayon, hayaan lang ba natin na lamunin tayo ng bulok na sistema? Maraming mga bagong pangalan na buo pa ang prinsipyo at nag-lakas loob na sumubok sa larangan ng politika pero sila ay natatalo lang sa popularity contest ng election. Walang pag-babago dahil ang mga kababayan natin ay binoboto ang anak ng sikat na pangalan sa politika na mga kasali sa pag-gawa nitong bulok na sistema.
Dahil sa kai-kaibigan at kaki-kakilala system eh ang mga puppet ng mga taong baluktot ang daan ay silang nakaka-upo sa mata-taas na position sa gobyerno.
Ang mga taong baluktot ang daan ay nag-bubuo ng mga association at organization at nag-tutulak ng kanilang mga personal agenda and selfish interests sa gobyerno. Ang gobyerno naman, dahil boto ang kapalit, ay madaling ma sakal sa leeg ng mga masasama.
Karamihan sa mga naka-upo ay inuuna ang personal interest nila o di kaya dicta ng mga ma-impluensyang baluktot na nagpa-upo sa kanila. Ang mandate nila ay nasa-sakripisyo. Mga walang hiya ang kakapal ng mukha.
Ang kabaluktutan sa Pilipinas ay parang isang napaka-kapal sa pader na pawang imposibleng tibagin. Nakakapagod.
Na-identify naman natin ang mga katiwalian na dapat ayusin. Pero ang mali lang ng Administration na eto ay ang workload management nila ay panay gamit ng post-it. Kulang sa political will. Nakita na ang katiwalian ngayon, eh bukas nandyan pa rin. Hindi ba pwedeng gamitin ng Presidente ang telepono lang para tawagan ang naka-upo at sabihan na "dapat bukas ng umaga ay wala na yang ganyang katiwalian, mag-issue ka ng memo na tigil na yan, or else you have to go at close of office tomorrow".
Maliiit at klarong mga katiwalian, hindi natatapos dahil puro post-it, puro maya-maya, puro excuses, ang naka-upo ay puppet ng organisadong nakikinabang sa katiwalian.
Bukas ng umaga, mag-renew na naman ako ng lisensya ko bilang Real Estate Broker. Pero pag-uwi ko, dadaan ako sa Mall, at libo-libo pa ring mga colorum at hindi lisensyadong in-house real estate agents ng mga developers ang naka-kalat sa mall. May silbe pa ba etong pagkukuha ko ng license bilang Professional Real Estate Broker? Eh samantalang libreng libre ang mga walang lisensya na mag-practice ng profession ko.