Napanood ko si Sec Luistro sa TV. Sabi niya ang problema daw na nakikita niya ay bakit ang mga kumpanya ay hindi nag-hahire ng high-school graduate laman. Ang solution niya ay dagdagan ng dalawa pang taon bago maka-graduate sa highschool.
Ang hindi niya na-isip, kaming mga employers, hindi mag-hire ng high-school graduate, DAHIL napakataas ng unemployment at napakarami manang college graduate na pwedeng pag-pili-an. Ako lang as a real estate broker, according to the RA 9646 law, pwede na yung tapos ng 2nd year HS na mag-apply as salesperson under sa amin, pero mas gusto ko pa rin ang college graduate sa salesperson.
In fact, mga resume ng mga applicants, eh we are only looking for one particular line in terms of education background -- ANO ANG COURSE and ANO ANG SCHOOL. Wala po kaming paki-alam kung ilang taon nag highschool ang applicant or ilangtaon siya nag-aral bago makatapos ng high-school. Wala pong employer na tumitingin ng high-school transcript ng mga job applicants.
Kahit dagdagdagan mo pa ng 2 years or kahit 5 years pa ang high-school graduate, ehhh COLLEGE graduate pa rin po ang pipiliin namin dahil kasama yan sa pag-papaganda ng profile/image ng mga company namin.
Maling-mali po ang perspective ni Luistro. Mali din po ang solution na binibigay niya.