Nag-drive na ako papunta sa opisina. Narinig ko si Se. Luistro sa DZMM at ako ay muntik nang na-suka sa mga sinasabi niya. Nagmadali ako pa-uwi sa bahay para i-post ang message na eto sa FB ni PNoy. Sabi niya, dapat daw baguhin ang pananaw ng mga employers sa mga high school graduate lang at huwag daw sila gawing second class citizen. Isa daw eto sa reason ng K12 Program niya.
Ang Pilipinas ay napaka-taas ng competitiveness sa international labor trade dahil marami tayong college graduates. Advantage natin eto.
Ang lahat na Pilipino ay gustong mag-aral para maging college graduate. Ito ay parte na ng dugo natin bi...lang Pilipino na lahat tayo ay humahangad na maging college graduate. Eto ay napakagandang motivation para mag pursigi lahat na bata na makatapos ng college. Advantage natin eto.
Si Sec Luistro, gusto niya tanggalin natin etong "motivation" na eto sa kultura natin. Gusto niya, magiging satisfied na ang mga bata na highschool graduate lang sila, at gusto niya, magiging okay na sa mga employers na mag-hire ng highschool grad kahit bumabaha ang college grads na applicant.
Para mapatunayan niya na tama ang gusto niya, ginagamit niya ang pwesto bilang Secretary ng Education para ipursigi na dagdagan ang number of years sa basic education.
Maling-mali po ang policy direction ni Luistro. Pag-makinig tayo sa kanya, at mapagbigyan siya, ang resulta ay devastating. Ang resulta eh bababa ang pag-pupursigi ng mga kabataan natin na maka-graduate ng college.
Maling-mali po si Luistro.
xxxxx
Ang masasabi ko lang kay Luistro, WALK THE TALK! Sampolan mo muna sa organization mo. Unahin mo muna kombinsihin ang mga tao mo sa Dept of Education na high school graduates ay pwede nyo nang i-hire sa mga technical positions. Yung mga naka...paligid na staff mo, yung executive assistant mo, palitan mo ang mga yan ng high school graduates. Pwede mo rin pangunahan sa LaSalle, kung saan ka nanggaling, you hire high school graduates to work in La Salle. Mag-set ka ng example. Subukan mo kung uubra ba ang advocacy mo.
Pero po, dahan-dahan sa policy change mo, huwag nyo po muna isaksak yan na sapilitan sa bunganga ng buong bansa.
xxxxx
I dedicate this blog to my FB friends below who celebrate their birthdays today.
Bench Petalcorin, Candy Cortez, Cecille Jamora, Cindy Reyes, Daneca Escalante, Horikita- Maki, John Kaven Linihan, Malou Gil, Rebecca Cultura, Riena Otacan