Thursday, November 18, 2010

Controversial Philippine Tourism Slogan

Hindi naman yan plagiarism kung ipagpatuloy ng bagong administration ang DOT slogan ng nakaraang administration.

Sa pandaigdigang paligsahan ng brand-name recall ng tourism slogan ng mga bansa, ang contest dyan eh patagalan ng pag-gamit ng slogan. Hindi pwede mag-palit ng slogan na basta-basta na lang. Lalo na kung na-establish na ang recall ng tao sa brand name na yan, hindi pwedeng palitan yan.

The idea of changing "Wow Philippines" is similar to the idea of changing "Malaysia Truly Asia". Sa marathon pa, para tayong mag-restart after na mahaba na ang natakbo natin -- ma-iiwan tayo nyan ng milya-milyahe. Meron nang momentum ang WOW Philippines, let's take advantage of its momentum and intensify the advertising even more.

Ang isang bansa na nag-papalit ng tourism slogan ay palatandaan na compirmadong bumagsak ang image nito kaya siya nag-palit.

xxxxx

HK Protesters demand "compensation" for the hostage victims. I recommend we pass a Terrorism Insurance Act that will require inbound tourists in the Philippines to pay an insurance fee at port of entry. I think US have this starting 2003.

Sabihin mo sa DOT Secretary na hindi kailangan meron siyang "bagong" idea para ma-appreciate siya bilang isang mahusay na lider. Mas ma-appreciate siya kung meron siyang idadagdag na ideas at meron siyang enthusiasm na i-implement ng tuloy-tuloy ang mga tourism advocacies na matagal nang maganda ang andar.

Bilang Filipino, diba foreigner tourist ka sa Malaysia. Ano ang impact sa taenga mo kung ang tourism slogan ng Malaysia ay "Malaysia Bagus" (which means Beautiful Malaysia)? Ganun din ang impact sa mga foreigners pag ang tourism slogan natin ay "Pilipinas kay Ganda".

I asked a foreigner about his first impression of the slogan "Pilipinas kay Ganda". He said "Philippines is like Uganda". Gandah is a place in Uganda Africa. I asked him again about his comparison of the slogans "Malaysia Truly Asia" and "Wow Philippines". He said that Wow Philippines is easier to recall and more attractive. He had been to Malaysia twice and Philippines once. He said that while in Philippines, his humanitarian and charitable heart was awaken from 50 year dormancy -- he said that not only the poor people beg like flies but also the government employees and taxi drivers, and the kids walk around in the streets NAKED just like in Uganda.

Ang Tourism slogan ay parang label ng canned good lang yan. Ang importante, siguradohin nyo na pag binuksan nga nakabili ang delata, eh magiging satisfied siya sa laman. Kailangan din ng GOVERNMENT WARNING ON TERRORISM ang label ng delata, lalo na na sa buong Pilipinas eh maraming nagdadala ng baril na hindi naka-uniporme ng pulis at walang epektibong checkpoints.

WOW PHILIPPINES okay na yan. Pero kung papalitan nyo, ang mga sarcastic suggestion ko:

1. ADVENTURE PHILIPPINES
2. THE PHILIPPINES IS WORTH DYING FOR

xxxxx

Ang dapat palitan na WELCOME statement eh ang MABUHAY. "Mabuhay" means LONG LIVE! Ginagamit yan ng mga rebolusyonaryo noon, sinisigaw nila after ng meeting or after magsalita ang lider nila. "Mabuhay" dahil nasa bingit ng kamatayan ang buhay ng mga rebolusyonaryo.

Ehhh pag sinabihan mo ng "mabuhay" ang foreigner eh mag-tatanong yan kung bakit nasa bingit ba ng kamatayan ang buhay nya pag-dating niya sa Pinas? Well, pwede rin siguro dahil talagang nakakatakot maging tourist sa Philippines, mula airport hanggang jung saan ka mapunta eh maraming gutom na Pilipino na para bagang gusto kang kainin na buhay.