PNoy, dahil natuwa ako sa stand mo sa WOW Philippines, bigyan kita ng bonus suggestion to control traffic jam. Makinig ka ng mabuti. Silipin mo yang Advertising Contract ng mga bus na merong Bus-Ads. Kahit walang lamang pasahero, tatakbo yan sa EDSA dahil "bayad" na yan at kailangan nila mag-comply sa conditions ng contract na dapat aanadar sila for a certain number of hours a day --especially RUSH HOURS. Ipagbawal na dapat yang Bus-Ads.
Ibat-ibang suggestion, bawat isa ay porsyento lang ang impact sa buong solution. Pero dapat suggestion ay bigyan ng pansin. Tinambayan ko na yang EDSA at pinagmasdan ng ilanhg oras. Ang napansin ko lang maraming bus na umaandar na napaka-konti ng laman kahit rush hour, ang napansin ko etong mga bus na eto nakabalot ng Bus-Ads. Bahala na ang MMDA mag-isip ng solution sa nakikita kong problema. Kung gugustuhin, maraming paraan; pero kung ayaw, maraming dahilan. Ang suggestion ko, ipagbawal na ang pag-balot ng Ads sa Bus.
xxxxx
By the way, I have an issue and a question. Most of the traffic jams are caused by a minor scratch of the bumpers of two cars who slightly collided. They cause traffic jam because they stay in position in the middle of the road waiting for Policeman to investigate. How do we reduce the time for this time wasting bumper to bumper scratch investigation?
Meron nga ako nakita personal, minor scratch lang, nung lumabas ang naka-civilian na mataba na driver ng private car eh merong sukbit na baril sa waisteline na napaka-obvious dahil sobrang-napakahaba ng magazine. Ayaw umalis ta ginta ng kalye -- traffic jam ang haba.
Traffic jam .... all because of a minor BUMP on a BUMPER. Maybe people have to be educated on what is the purpose of a bumper part of the car.