Tama ang ginawa ni Umbudsman Mercedita Guttierez na tanggapin ang plea bargain ni Gen. Garcia dahil narecover ng gobyerno ang mga ninakaw. Kung sinentensyahan niya yun, ma-uwi lang sa kamay ng Presidente ang ibabayad ni Garcia sa ilalim ng lamesa para maka-kuha ng executive clemency. Yan ang dahilan bakit ayaw ko ng Truth Commission, dahil ayoko na ma--manipulate si PNoy ng mga kaibigan nyang umaasang maka-kotong ng malalaking magnanakaw.
Napakaraming departamento under ng jurisdiction ng Office of the President na kailangan niyang ayusin. Tumakbo si PNoy bilang Presidente, ayusin niya ang sarili niyang bakuran sa Executive Branch. Hangga't hindi niya na-aayos ang Executive Branch, wala siyang karapatan na mangabilang-bakod sa problema ng ibang branches of government. Focus lang dapat siya sa trabaho niya.
Ang red-tape sa Executive Branch ay napaka-garapal pa rin. Ako mismo merong kasalukuyan na personal na experience ng red-tape sa Professional Regulation Commission na hindi na-reresolve ng grupo ni PNoy sa napakahabang panahon na hawak nila ang kaso.
So, PNoys, focus ka lang muna sa bakuran mo. Ayusin mo yan dahil yan ang trabaho mo kapalit nung cheke ng sahod mo na pinakita mo noong araw na bago ka pa lang.
Sa ibang ma-uunlad na bansa, mabilis ang kaso dahil merong plea bargaining. Sa plea bargaining, isa o dalawang upu-an tapos ang usapan, settled at nabayaran ang na-aagrabyado, govyerno man o ordinaryong taong bayan. Sa Pilipinas, kaya paton...g-patong na ang kaso dahil pinupursige na ikulong ang akusado, kaya lumalaban ng husto ang depensa, pero sa huli kahit makulong eh mababayaran din ang kalayaan.
Plea Bargaining is the thing that makes the rich countries rich. Mabilis ang kaso, bayad agad ang na-agrabyado, isang upuan lang.
xxxxx
Hanggang tino-tolerate ang Jueteng, our country is cursed. Hindi na mababawi ang curse na binitawan ni Erap nung siya ay kinulong sa Jueteng na gusto niyang gawing legal para mapakinabangan ng taong bayan katulad ng PagCor.
Ako bihirang nagiging relihiyoso, pero pag Presidente ang nag-bitiw ng curse sa sarili niyang bayan, eto ay mangyayari.
Nandyan pa ang Jueteng kay GMA. Nandyan pa rin kay PNoy. Hindi eto titigil ang pag-bulusok ng curruption ng bansa natin.