Sunday, May 22, 2011

Citizen Afraid to Complain Against Philippine Government

Question: Sir John, natatakot po ako bumatikos at mag-reklamo sa mga katiwalian ng na na-witness ko ginawa ng gobyerno dahil baka po ipitin ang papeles namin katulad ng drivers license application, professional license application, and passport at kasohan po ako. Pwede ba anonymous na lang?


ANSWER: Hindi pwede anonymous, walang bisa ang anonymous complaint. Huwag ka matakot mag express ng opinion mo on public officials or public policy, citizen ka eh, protected ka ng Civil Service Commission and Ombudsman against possible retaliation. Pag Public Policy related ang issue, may karapatan ka magsalita, mag-publish ng blog sa internet. Halimbawa, pag ikaw ay nag-apply ng drivers license, then ikaw ay may napansin na irregularity, then ikaw ay nag-reclamo sa dissatisfied customer, hindi nila pwede i-hold ang application mo for driver license dahil nag-complain ka. Pag hinold nila, RED TAPE yan, and ang motive na pwedeng gamitin ng Ombudsman to establish red-tape ay "Retaliation".