Thursday, October 13, 2011

The Proper Way of Peace Process Activities

ETO ANG TAMANG PROSESO! Kapag merong Peace Process Activity (PPA) ang GPH like Peace Talk or Negotiation, pa-sulatin nyo muna si GPH ng FORMAL INVITATION naka-address sa MNLF. I-forward ang letter ng GPH sa akin, kasama ng listahan ng name and address ng lahat na MNLF Leaders, Commanders, and Negotiators na gusto mag-attend. Then I will consolidate a QUOTATION OF EXPENSES to cover the travel, accommodation, and allowance ng mga mag-attend. I will send the INVOICE BILL to the GPH. Walang mag-aatend pag hindi nag-bayad in advance ang GPH. Ipunin natin yang lahat na INVOICE BILL na yan na hindi pinopondohan ng GPH para meron tayong EVIDENCE na i-present sa BUONG MUNDO na yang GPH na yan ay WALANG PEACE PROCESS FUND.

The following must be funded sa lahat na participants:

1. Transportation from Home to Airport (Actual Rate), Airport to Hotel, Hotel to PPA Venue, PPA Venue to Hotel, Hotel to Airport, Airport to Home.
2. Plane Fare and Terminal Fees (Actual Rate)
3. Hotel Accommodation (P1,000 per night)
4. Food (P150 per meal from home departure to home arrival)

Gagawa tayo ng FORM na kompletohin ng mag-aattend para yun ang basis ng magkano ang isisingil natin sa GPH.

Lahat na Leaders, Commanders, Negotiators, Advocacy Communicators na gusto mag-attend, lahat dapat maka-alam ng schedule of event para maka-signify yung gusto mag-attend.

Kung gusto ng Filipino People ng PEACE PROCESS ACTIVITIES, dapat pondohan nila. They should put their money where their mouth is. Let's put the taxes to proper work here.

Walang Centralized Committee na makakapag-pigil, mag-discriminate, or mag-filter ng mga gusto mag-attend. Lahat na gusto maki-alam, pwede mag-attend.

Lahat na PPA, dapat six months ahead merong nang schedule and venue na i-publish ng GPH na ipadala sa MNLF ang invitation. SIX MONTHS AHEAD. Ayoko yang nangyayari ngayon na parang KABIT lang ang MNLF na kung kailan gusto ura mismo papupuntahin at sisipingin ng GPH eh pupunta naman ang MNLF -- ang nangyayari ngayon ay KAWALAN YAN RESPETO ng GPH sa MNLF -- dapat baguhin yan.

Hindi rin maganda yang ipinapakita ng MNLF na mga GATE-CRASHER sa mga PPA. Pag gusto mag-attend, dapat mag-signify in advance para hindi kulangin ang mga seats, snacks, and food that will be prepared ny the GPH sa event.


Read the story of this problem at: The MNLF Must Stop Attending Peace Process Activities.


Cmdr. JOHN REMOLLO PETALCORIN
MNLF Director for Acvocacy