Friday, September 16, 2011

Demon Parents Outside the House

QUESTION: Senador John, ano ang proposal mo sa mga bata na nakakagawa ng crimen? ANSWER: Ang mga bata ay parang alagang aso ang mga yan. Pag maka-kagat yan, ang taong merong custodial right sa bata ang dapat managot sa pagiging irresponsable sa pag-babantay ng kanilang alaga. Pag medyo mahirap na controlin ang bata, dapat merong mechanism na ang parent ay pwedeng pumirma ng waiver sa DSWD na ipinapasa na nya sa DSWD ang disposition ng case ng bata in the event na maka-gawa ng crimen.

[PUBLIC COMMENT] Angelito Bronia Moral: I agree ako dyan ..we must take a bold stand in RESPONSIBLE PARENT HOOD..at yung age na 15 to lowwered to 9 ay Mas maayos na maituturing..kase nag iiba ang panahon at pag unlad ng isip ng mga kabataan..kaya dapat lang na merong Batas na sasaklaw sa ganitong pangyayari..isipin mo 12 years old pinatay ng kapwa nya 12 years old pinagtulung tulungan ..at napatay ang kawawang bata..Sino dapat managot ..??

RESPONSE: Mga Gang mga yan. Merong mga matatandang member ng gang ang mga yan na nagsisilbing demon parent nila sa labas ng bahay. Yung mga gang leaders ang dapat managot. Gagawa rin ako ng batas na ipagbabawal ang pag buo ng mga informal fraternities, sororities, and organizations that involved minor children in their membership.