Saturday, October 9, 2010

Halo-halong Issues

Pwedeng hayaan na lang ang Jueteng, basta ipambili ng Malacanang ng condom ang 5M a day na payola. Tapos lahat na tumataya na talo ay may consolation prize na condom. Pero dapat yung mga kabo ng Jueteng, dapat graduate ng K12+ para meron namang professional standard. He he he.

Atsaka lahat na kubrador at kabo ng Jueteng, pwedeng gumamit ngwangwang, para pag dumaan sa mga bahay-bahay eh madaling marinig ng mga tumataya. Atsaka, dapat ticketan ng MMDA ang lahat na tao na kung saan saan lang hinuhulog ang gamit na condom. Dapat turuan ang mga tao na ilagay muna ang gamit na condom sa bulsa ng isang araw pag walang makitang basurahan.

Sa sobrang traffic sa metro manila ngayon, ma-iinis ka sa MMDA na nimbis mag-traffic eh nang-dedelehensiya ng kotong sa mga littering public. Dapat i-allow natin ang mga kabo na magpa-taya ng Jueteng sa mga lansangan. Sayang ang oras ng paghihintay pag walang ginagawa.

xxxxx

I dedicate this blog to my FB friends who celebrate their birthday today.

Catherine Ramirez Gomez, Jo Alcober Gomez, Marielle Remollo, Mercy Mercado, Noeme Sarigue, Pearl Lynh Timon Madria, Sheng Angeles Remollo